Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DSWD may sumobrang P10B sa SAP

0 104

Ikinagulat ng ilang senador ang pahayag ng Department of Social Welfare and Development DSWD) na mayroon silang hindi nagagalaw na P10 bilyon pondo sa Social Amelioration Program (SAP).

Sa pagdinig ng panukalang P171 bilyong pondo ng DSWD para sa 2021, sinabi ni Sec. Rolando Bautista na mayroon silang `savings’ na P10 bilyon dahil ang bilang ng low-income na pamilya na tatanggap ng pangalawang bugso ng SAP ay tinapyasan sa 14 milyon mula dating 18 milyon.

“Out of the budget, we still have a remaining P10 billion,” pahayag ni Bautista matapos tanungin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Subalit sabi ni Recto na mas mainam kung ipamahagi ang ‘savings’ sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong ngayong krisis sa halip na ibalik sa treasury.

Nang tanungin ng mga senador kung ano ang plano nila sa p10 bilyong ‘savings,’ sinabi ni DSWD Director Resty Macuto na gagamitin nila ito para sa pagbibigay ng livelihood grants sa mga maliliit na vendor, sari-sari store owners at iba pa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.