Abante Tonite Interactive

DSWD nagbabala vs extortion gamit ang pekeng account

By
1,211

“Wala pong kapalit na anumang donasyon ang aming ibinibigay na serbisyo”

Ito ang pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasabay ng babala sa publiko na huwag maniwala sa lumalabas na mga fake social media account ng ahensiya na nanghihingi ng pera para makakuha ng kanilang serbisyo at donasyon para sa kanilang mga programa.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, iisa lamang ang Facebook account ng DSWD at ito ay https://www.facebook.com/dswdserves/ at isang Twitter page sa ilalim ng account na @dswdserves kaya ang luma­labas na ibang account ay pawang peke.

“We would like to warn the public on the proliferation of fake Facebook accounts bearing the name of the Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD). The circulation of these accounts is alarming since they can be used to deceive the public to support or donate money for fake initiatives of the go­vernment that will help poor Filipinos,” pahayag ni Orogo sa isang statement.

Nadiskubre ng DSWD ang pekeng account na, ‘DSWD PH’ kung saan ginagamit ang official social media logo ng kanilang DSWD field office sa Central Luzon.

“As responsible socia­l media users, we need to learn to discern the truth from bogus information and to be cautious in providing private information in social media and messaging applications. Dubious accounts should also be reported to proper authorities,” pahayag ni Orogo.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nagbabala din ang DSWD laban naman sa pekeng account na nag-iimbita para sa adoption ng mga bata.