Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DSWD sa kamay ng mga taga-media

0 108

Malaking hamon ang tiwalang ibinigay ni President -elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa ilang kagawad ng media sa pangunguna ni incoming DSWD Secretary Erwin Tulfo.

Nauna nang iniluklok ni Marcos si Tulfo na pamunuan ang DSWD.
Kalaunan ay inanunsyo ang pagtatalaga rin sa DSWD bilang Undersecretary ng isa ring kagawad ng media na si Jerico Javier.

Pinakahuling balita ay ang pagtatalaga rin ng isa pang mula sa media industry pero outgoing Representative ng ACT-CIS na si Nina Taduran bilang Undersecretary rin sa DSWD.

Pangunahing misyon ng DSWD ay pag-ibayuhin ang antas ng buhay ng sambayanang Pilipino, lalo na ang mula sa mahihirap na sektor ng lipunan.

Ang DSWD kadalasan ang kinakalampag tuwing may mga kalamidad kaya swak na swak ang mga kagawad ng media sa posisyong ito.
Bilang mga kagawad ng media, aba’y sanay na sanay ang mga kapatid natin sa pamamahayag sa pagresponde sa mga tinamaan ng kalamidad o sakuna.

Pero kumpara dati na paghahatid ng impormasyon ang kanilang misyon dahil ngayon ay may bitbit na rin silang tulong sa mga kababayan nating nangangailangan kaya tiyak akong epektibo ang mga kapatid natin sa media sa posisyong iniatang sa kanilang ng susunod na administrasyon.

Walang pinag-iba sa karanasan ng mga naunang kalihim ng DSWD ang kapatid natin sa pamamahayag na si Erwin at nina incoming Usec Jericho at Nina dahil abot nila hanggang sa kasulok-sulukan ng bansa.

Kumbaga ay kaya nilang makasalamuha sa kahit sino at kahit saang sektor ng ating lipunan.

Hangad natin ang tagumpay ng mga kapatid natin sa media na nabigyan ng pagkakataon ng Marcos admin na tumulong. Kudos!

Leave A Reply

Your email address will not be published.