Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DSWD seminar pinaimbestigahan

0 304

Nais paimbestigahan ng grupong Bayan Muna ang layunin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa inilabas nitong memorandum order na may kinalaman sa isinagawang “Knowing the Enemy” seminar.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, isang resolusyon ang ihahain niya sa Kamara upang alamin kung ano ang tunay na layunin ng DSWD sa inilabas nitong memorandum gayong ang dapat na tutukan aniya ay ang pamamamahagi ng tulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Nangangamba si Zarate na ang hakbang na ito ng DSWD ay katulad lamang aniya sa ginawa noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Aroryo upang i-red tag at siraan ang oposisyon at mga kritiko ng administrasyon.

“This is clearly made to vilify and red tag critics of the administration and in preparation for a terror law induced massive crackdown,”ayon kay Zarate. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.