Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DTI ibabawal installment scheme sa motorsiklo

0 52

Mag-iisyu ang Department of Trade and Industry (DTI) ng kautusan laban sa kalakaran ng mga motorcycle dealer na pinupuwersa ang mga kustomer na bumili ng unit ng installment basis o hulugan.

“Meron pong mga installment packages, but dapat po may choice ang consumers. Kung gusto mo bayaran ng cash at ayaw mo pumasok sa installment, they (dealers) should allow it,” pahayag ni Trade Secretary Mon Lopez sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa mabagal na implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act.

“Madalas ho, ine-encourage o halos hindi na makapili eh, ine-enforce na `pag gusto mo talaga bumili, dapat installment. Maglalabas kami ng Department Order dahil sa sa mga narinig namin complaints na ganito,” sabi ng kalihim.

Ayon pa kay Lopez, ang polisiya ng mga motorcycle dealer sa paglimita sa kanilang mga kustomer sa installment payment scheme ay bahagi ng mahigit 3,000 reklamo na natatanggap ng Fair Trade Enforcement Bureau.

Bukod pa iyan sa ilang reklamo tulad ng hindi pag-iisyu ng official receipt, certificate of registration, depektibong unit at kawalan ng certificate of full payment.

“This department order will be issued. Maghi-hearing lang kami, consultation,” sabi pa ni Lopez. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.