Abante Tonite Interactive

DTI itinanggi ang pagdagsa ng tao sa mga mall

0 312

Itinanggi ni Department Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang sinasabing dumagsa at napuno ng tao ang mga mall nitong weekend kasunod nang pag-alis ng enhanced community quarantine (ECQ) tungo sa modified ECQ (MECQ) sa buong NCR.

“We checked personally some malls in the metropolis na usually on a Sunday afternoon, punung-puno ng tao and we can see na hindi naman ganun karami ang tao. While we were interviewing, doing a quick survey, the crowd is only about 20% of what a typical Sunday afternoon pre-COVID times. It’s just about 20%,” ayon kay Lopez sa Svirtual hearing ng New Normal Cluster ng House Defeat COVID-19 Committee.

Sa katunayan, 20% lamang ng mga tao ang pumunta sa mga malls nitong Sabado at Linggo kumpara sa nakasanayan na bilang ng mga tao na pumupunta ng malls bago pa man magkaroon ng pandemya.

Maliban dito, 20% lamang din ang mga nagbukas na tindahan sa mga malls kasama na dito ang mga supermarkets, botika, ilang boutiques at mga restaurants na para lamang sa take-out ay delivery service.

Kasabay nito, tiniyak ni Lopez ang mahigpit na pagpapatupad at monitoring ng `new normal’ sa mga establisyimento ngayong niluwagan ang mga restrictions sa ilalim ng MECQ.

Partikular dito ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing.

“For any space, let’s say inside the store or inside the mall, at a maximum in any given point in time, there should only be one person per two square meters. So, if a particular store inside would be about 50 square meters of free space, about 25 people would be the maximum at any given point in time,” dagdag ni Lopez.

Tonite – Wendys Inhouse Ad