Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DTI kambiyo sa sirit-presyo ng pagkain

0 37

Taliwas sa naunang anunsiyo, nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon na hindi pa aprubado ang nakaambang taas-presyo ng ilang pangunahing bilihin.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nire-review pa rin ng ahensiya ang naturang pagtataas ng presyo.

“We can say continuing review pa,” maikling mensahe ng kalihim.

Dagdag pa ni Lopez, hindi pa nai-publish ang bagong suggested retail price kaya’t hindi pa rin ganap na maipapatupad ang taas-presyo.

Tinutulak ng ilang mga manufacturer ang pagdagdag ng presyo dahil sa COVID pandemic, na nagpamahal sa mga raw material at gastos sa operasyon.

Sa naturang dagdag-presyo mula tatlo hanggang limang porsiyentong pagtataas ang inaprubahan ng DTI, na ayon sa ahensiya ay hindi aabutin ng piso.

Nauna nang sinabi ni Lopez na pinayagan na nila ang dagdag-presyo sa ilang pangunahing bilihin na hindi naman umano aabutin ng P1.

“Inaral ‘yung cost. ‘Yung tin can ay nag-increase ng 60% na. ‘Yung PET bottles 37%, ‘yung tamban ‘yung laman ng sardinas ‘yung isda 14%. ‘Yung mga meat ingredient ito ‘yung mga beef ‘yung mga panlaman sa corned beef nag-increase ng 20%. ‘Yung chicken MDM 87% na ang itinaas. ‘Yung trigo that goes into the noodles, 56% increase,” lahad ni DTI Secretary Ramon Lopez sa ‘TV Patrol’. (Mark Joven Delantar/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.