Abante Tonite Interactive

DTI, mga negosyante tutuldukan ang korapsyon

By
0 151

Hinikayat kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante na tumulong sa pagsugpo ng kurapsyon at iwasan ang panunuhol sa mga opisyal ng gobyerno.

Ito ang apela ng DTI kahapon sa mga negosyante kasabay ng pagpapaalala na bawal ang red tape.

Sa ginanap na Ge­neral Membership Meeting of Management Association of the Philippines kamakailan, hinikayat ni DTI Undersecretary Rowel Barba ang business community na sampahan ng reklamo sa Anti-Red Tape Authority ang mga opis­yal ng gobyerno na lumalabag sa RA 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Nauna nang isi­nabatas ang Ease of Doing Business (EODB) Act ni Pangulong Rodrigo Duterte upang gawing madali ang mga transaksyon ng mga negosyante sa gobyerno.

Ayon kay ­Barba, ang panunuhol o pangingikil para makakuha ng pabor ng mga opisyal ng gobyerno ay may kaakibat na criminal liability sa ilalim ng Revised Penal Code.

Aniya, sinumang opisyal ng gobyerno na lalabag sa EODB Law ay masususpende nang anim na buwan at maaaring masibak sa serbisyo.

Bukod dito, maaari rin umanong mawala ang retirement bene­fits ng nagkasala at puwede ring makulong nang isa hanggang anim na taon na may multang kalaha­ting milyon hanggang sa dalawang milyon.