Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DTI pahirap sa mahihirap

0 80

Marami pa rin sa ating kababayan ang walang maayos na tirahan matapos hambalusin ng bagyo noong nakaraang taon. Ganyan ang sitwasyon sa Catanduanes at iba pang bahagi ng Bicol Region.

Sa mga pamilyang nakapag-ipon at nangutang pa para makabili ng construction materials, gagawa sila ng paraan para makatipid sa gastos. Paano kung abutan sila ng pagtaas ng presyo ng yero?

Nangangamba kasing tumaas ang presyo ng yero dahil sa pinalabas na Department Administrative Order (DAO) ng Department of Industry (DTI) at Bureau of Philippine Standards (BPS).

Sa DAO 20-10 Series of 2020 na naging epektibo noong Enero 13,2021, kailangan na may product certification ang raw material na ginagamit sa roofing at general applications. Sakop nito ang hot-tip metallic coated at pre-painted galvanized steel coils at sheets na ginagamit sa paggawa ng yero.

Sumakit tuloy ang ulo ng mga manufacturer at importer dahil paparating pa lamang ang inorder nilang materyales. Umapela sila sa DTI at pinagbigyan naman pero hiningan na naman sila ng karagdagang requirement bago i-release ang kanilang mga shipment.

Dagdag gastos ito sa materyales sa paggawa ng yero kaya malamang na ikarga din ito sa mga tinitindang yero sa mga hardware at construction supply.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tulad ng nararanasang kakapusan sa supply ng karneng baboy, hindi malayong magkaroon din ng problema sa supply ng yero sa bansa at madiskaril ang mga housing project at iba pang infrastructure project ng gobyerno.

Taliwas ito sa adbokasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapagaan ang pagnenegosyo sa Pilipinas.

Pero ang lubos na tatamaan nito ay ang mga pobreng pamilya na hindi pa rin nakakabangon sa epekto ng mga quarantine restriction dulot ng COVID pandemic.

Sa panahon ng pandemya, isa na yata ang DTI sa kinaiinisan ng mga Pinoy kasama ang Department of Agriculture (DA). Eh paano naman kasi, walang nagawa para mapigil ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa. Lalong nabaon sa kumunoy ang mga maralitang Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.