Abante Tonite Interactive

DTI: Presyo ng de-lata, iba pa, 3 buwan ‘di lolobo

By
0 74

Makakaasa ang publiko na hindi tataas sa loob ng tatlong buwan o higit pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin na malimit laman ng basket ng mga mamimili.

Sinabi ni Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo na nakumbinsi nila ang mga manufacturer ng BNPCs (basic necessities and prime commodities) na huwag munang magtaas ng kanilang presyo sa loob ng tatlong buwan sa pulong na ginanap noong August 17, 2018.

Ayon kay Castelo, may nag-commit nang tatlong buwan, ang iba ay anim hanggang siyam na buwan na epektibo noong September 1.

Bago aniya magkaroon ng pagbabago sa presyo ng mga manufacturer sa pamilihan ay idadaan ulit ito sa DTI para matiyak na hindi ito kontra sa nakasaad sa suggested retail price.

“Na-convinced natin ang mga manufacturers at pumayag sila to hold off price increases at least for the next three months, some nine months. So at least assured ang consumers that for the next three months ay hindi gagalaw ang presyo ng BNPCs nila,” ani Castelo.

Kabilang sa mga sakop ng price moratorium ay mga pagkaing de lata gaya ng sardinas, carne norte, gatas, kape, bottled water, instant noodles, tinapay, asin, toyo, patis, suka, kandila at iba pa.

Tiniyak ni Castelo na hindi agad tataas ang presyo makalipas ang tatlong buwan dahil idadaan ulit sa DTI ang pagpapalit sa presyo dahil sa umiiral na Suggested Retail Price na may bisa hanggang December 1, 2018