Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DTI puwedeng umayuda sa 13th month pay

0 106

Nais ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na makatanggap lahat ng manggagawa ng 13th month pay at kung hindi ito kakayanin ng maliliit na negosyo ay dapat nang umeksena ang pamahalaan.

Sa panayam ng ANC kahapon, sinabi ni Concepcion na maaaring pahiramin ng pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI), ang maliliit na negosyo upang maibigay ng mga ito ang 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

May financing arm ang DTI na Small Business Corporation na nagpapautang sa mga maliliit na negosyo upang makapagbigay ang mga ito ng kaukulang benepisyo sa kanilang mga empleyado. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.