Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DTI tuloy pautang sa maliliit na negosyo

0 213

Maaari na ulit makautang sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga maliliit na negosyante sa bansa ng mula P200,000 hanggang P500,000.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nakakuha na sila ng dagdag na P1 bilyon sa Development Bank of the Philippines (DBP) bilang pondo sa programang pautang sa maliliit na negosyante.

Noong Hunyo inilunsad ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) ng Small Business Corporation sa ilalim ng DTI para sa mga micro at small enterprises na apektado ng COVID-19 pandemic.

Pansamantala itong nahinto dahil na rin sa kakulangan sa pondo.

Dagdag ni Lopez, maaari na rin silang makautang sa Land of the Philippines (LBP) ng hanggang P3 bilyon sakaling magkulang pa ang kanilang pondo. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.