Abante Tonite Interactive

Du30: Joma may cancer Joma: Imaginary lang!

By
8

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may colon cancer si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison.

“Matanda na ito. Sison is sick. May colon cancer,” sabi ni Duterte sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito kahapon.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi na ito interesadong makipag-usap sa mga rebeldeng komunista bunsod na rin ng ginagawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng gobyerno bukod pa sa extortion activities ng mga ito.

Sa ulat naman ng ABS-CBN, agad itinanggi ni Sison ang paratang ni Duterte.

Ayon kay Sison, “imaginary” lang ang colon cancer issue ni Duterte.

“Colon cancer lang ang issue niya. It is imaginary,” pahayag umano ni Sison.