Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dugo dumanak sa MPD, 3 pulis bulagta

0 85

Nasawi ang dalawang pulis Maynila kabilang ang suspek habang sugatan ang isa pa matapos mag-ala Rambo at mamaril ang isa sa kanila kahapon sa loob ng Manila Police District Headquarters sa Ermita, Maynila.

Sa report, kapwa nasawi sa magkahiwalay na pagamutan ang suspek na si PEMS Reynante Dipasupil at biktimang si PEMS Romeo Cantal, nakatalaga sa DHSU.

Si Dipasupil ay nasawi sa Manila Doctors Hospital habang si Cantal ay idineklarang patay alas-3:05 ng madaling araw sa Manila Medical Center kung saan ginagamot rin dito ang nabaril ding si PMSg Raynelado Cordova.

Alas-11:39 ng hatinggabi nang dumating sa DPIOU office ang lasing na si Dipasupil, sinira ang pintuan at kinuha sa cabinet ang M16. Pinaputok umano ito pero paulit ulit na nag-jam kaya ginamit ang Galil 5.56 mm rifle at pitong beses na pinaputok sa kisame.

Bumaba si Dipasupil at nakita si PLTCOL Dionelle Brannon at binaril ng ilang ulit pero nagmintis. Sunod nitong pinagbabaril ang tanggapan ng DDEU at dito tinamaan si PMSg Raynelado Cordova.

Alas-11:55 ng gabi nang makarating si Dipasupil sa 2nd floor ng headquarters at muling nagpaputok malapit sa Office of District Director.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilang sandali pa dumating sina PSSg German Roque Jr at PSSg Allen Camangon, Duty Security ng DD,MPD at binaril si Dipasupil na noon ay naubusan na ng bala kaya iniwan na ang Galil rifle at mabilis na bumaba.

Alas-12:03 ng madaling araw nang magtangkang tumakas si Dipasupil.

Nakita ni Cantal ang suspek at pinasusuko pero sa halip na sumuko ay binaril si Cantal.

Nakita umano ni PSSg Boy Francia ang ginawa ni Dipasupil kaya binaril na ito at masawi.

Sa impormasyon nakuha, nalaman na na-relieve umano sa kanyang tungkulin si Dipasupil na siyang tinitingnang motibo sa pagwawala nito. (Juliet de Loza-Cudia/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.