Abante Tonite Interactive

Dugo ni Wilder dinilaan ni Fury

487

Muling naghari sa boxing ring si Tyson Fury matapos makaresbak at makuha ang WBC heavyweight crown sa rematch nito kay Deontay Wilder Linggo (Manila time).

Ikapitong round ng bakbakan ay inihinto na ang laban ng referee kasunod ng pagbato ng tuwalya ng corner ni Wilder kasunod ng mga malalakas na suntoknsi Fury.

Ikinagulat ng mga fan ang ginawang pagdila ni Fury sa dugo ni Wilder.
Huli sa akto si Fury sa sixth round na dinidilaan nito ang dugo sa leeg ni Wilder.

Mula ang dugo sa tenga ni Wilder na kanyang natamo sa mga ­unang round ng laban.

“The king has returned to the top of the throne,” saad ni Fury na nanatiling unbeaten matapos ang 31 fights. (JAT)