Abante Tonite
Mabilis sa Balita

64 saksak sa rent-a-car driver

0 697

Hustisya ang hinihingi ng mga kaibigan at kapamilya ng isang babaeng umano ay miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) na natagpuang may 64 tama ng saksak sa loob ng kanyang kotse sa Calamba City, Laguna noong ng Linggo ng gabi.

Mga tama ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng biktimang si Jingle Lucero alyas Jingle / Aya, 34-anyos.

Batay sa report ng Calamba City police, unang inakala na naaksidente ang kulay gray na kotseng Mitsubishi Mirage G4 na nakahinto sa Bucal Bypass Road, Barangay Maunong, Calamba City dakong alas-10:30 ng gabi.

Subalit nang dumating ang mga responder, nakita ang dalaga na nakasubsob sa loob ng minamanehong kotse at naliligo sa sariling dugo.

Napag-aalaman na ang kotse ay ginagamit ng biktima sa rent-a-car business kung saan siya mismo ang nagmamaneho at may advertisement pa sa facebook account nito na makikita ang kanyang personal contact number.

Nasa bahay ng kanyang karelasyon sa bayan ng Bay ang biktima nang may magpa-book umano dito ng biyahe patungo sa Metro Manila dakong alas- 9:00 ng gabi kaya umalis ito.

Bandang hatinggabi hindi na ito makontak ng kanyang lover sa cellphone hanggang sa malaman na lang nila ang pangyayari kinaumagahan.

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng Calamba police at tinitingnan ang motibong love triangle at anggulong may kinalaman sa pautang na pera ng biktima.

Hindi rin inaalis ang motibong roberry holdup bagamat walang nawala sa pera at mga personal na gamit ng biktima na dala nito nang mangyari ang insidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.