Abante Tonite Interactive

Dugong alay, pantawid buhay

396

Julius Segovia

julius-segoviaMataas ang demand pero kakaunti ang suplay ng dugo. ‘Yan ang masakit na katotohanan.

Sa datos ng Philippine Red Cross, aabot sa 3000 units ng dugo ang kinakailangan araw-araw para mapunan ang kabuuang pangangailangan ng bansa sa dugo.

Para matugunan ito, hinihikayat ang mga blood donor na boluntaryong mag-donate ng dugo kasabay na rin ng paggunita sa World Blood Donor Day sa darating na June 14.

Kapit-bisig muli ang gobyerno at ilang pribadong sektor para sa World Blood Donor Day Celebration.

Sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City, halimbawa – may blood donation na gaganapin mula alas 8am hanggang 3pm sa susunod na Biyernes.

Hindi lahat, kuwalipikadong maging blood donor. Ilan sa mga kuwalipikasyopn: dapat nasa malusog na pangangatawan; babae man o lalaki na ang edad nasa pagitan ng 17 hanggang 55; limampung kilo o 110 pounds ang bigat; walang malubhang sakit; at walang iniinom na gamot.

Bago kuhanan ng dugo, susuriin din muna ng doktor ang blood donor.
Ayon sa mga eksperto, buhay ng hanggang tatlong tao ang kayang isalba ng isang blood donor.

Bukod sa hatid na pantawid-buhay, may benepisyo rin ang pagdo-donate ng dugo.

May mas malusog na puso ang taong regular na nagdo-donate ng dugo. Sa pamamagitan kasi ng regular na blood donation, nababawasan ang lapot ng dugo na maaaring makaapekto sa tibay ng mga ugat. Dahil dito, mas lumiliit din ang tsansang magkaroon ng seryosong sakit gaya ng altapresyon, pamumuo ng dugo at pagbabara sa mga ugat, atake sa puso, at stroke.

Sa pagdo-donate ng dugo, bumababa rin ang panganib ng pagkakaroon ng kanser sa baga, atay, bituka at lalamunan.

Tuwing nagdo-donate ng dugo, nababawasan ang iron sa katawan na bagaman mahalaga sa pang­kabuuang kalusugan, ay maaari ring ituring na free radical. Ang mga free radical ang sumisira sa cells ng katawan na itinuturong dahilan ng pagsisimula ng sakit na kanser.

Sa mga conscious sa kanilang figure, try n’yo ring mag-donate ng dugo.

Malaki ang nababawas sa timbang ng taong regular na nagbibigay ng dugo. Sa pag-aaral na isinagawa sa University of California, hanggang 650 calories ang nababawas sa katawan ng taong nagbigay ng 2 tasang dugo.

Ang sa akin lang, ugaliing mag-donate ng dugo. Nadugtungan mo na ang buhay ng iba, kalusugan mo’y gum