Abante Tonite Interactive

Dugong Pinoy nananalaytay kay Jordan

By , , , , , , , , , ,
1,047

Pinoy na Pinoy.

‘Yan ang obserbasyon ng PBA officials at ni coach Yeng Guiao kay Jordan Clarkson.

Sandali lang nakasama ng mga ito ang Fil-Am guard ng Cleveland Cavaliers, pero alam nilang taglay nito ang ugaling Filipino.

Walang angal, mada­ling makagamayan ang mga kakampi sa National team.

Huwebes nang duma­ting sa Jakarta si Clarkson pagkatapos ng 17-hour flight mula US, nakipraktis na agad kinahapunan matapos talunin ng team ang Kazakhstan 96-59.

“That’s a quality of a good player, a quality of a good person who’s been brought up really well. You know his upbringing­ is really good, siguro we can take a little good credit­ of that kasi nga may dugo siyang Pilipino,” lahad ni Guiao.

Sina Asi Taulava at Gabe Norwood ang madalas kasama at kadikit ni Clarkson. Paglapag sa Jakarta, dumiretso ang naka-black hoodie na si Clarkson sa Gelura Bung Karno Sports Complex, naupo sa bench ng Pilipinas at nakipagtsikahan kay Asi.

“He’s very Filipino actually,” dagdag ni Guiao. “Very accommodating, quiet. He appreciates the efforts of people around him to make him comforta­ble, relaxed.”

Iisa rin ang impresyon ng PBA officials sa 26-an­yos na Fil-Am.

“Sobrang humble,” puna ni PBA commissioner­ Willie Marcial. “Tsaka matagal ng gustong-gusto maglaro para sa Pilipinas. Alam mong pusong Pinoy talaga.”

Pina-dinner ng league board ang men’s basketball team pagkatapos ng praktis ng Huwebes sa Gor Polugadong gym. Sa isang Japanese BBQ restaurant sa Jakarta sila kumain.

Kasama ni Marcial sa Indonesia sina board vice chairman Rickie Bachmann ng Alaska, Atty. Mert Mondragon ng Rain or Shine, Eric Arejola ng NorthPort, Silliman Sy ng Blackwater, Atty. Raymund Zorilla ng Phoenix, Bobby Rosales ng Phoenix, Rene Pardo ng Magnolia, Robert Non ng San Miguel at Alfrancis Chua ng Ginebra.