Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dukot gang target mga batang bebot

0 650

Kasunod ng mga insidente ng tangkang pagdukot sa mga kabataang babae sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at sa karatig lalawigan, mahigpit na nagpaalala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na doblehin ang pag-iingat mula sa mga masasamang grupo.

Kamakailan lamang ay iniulat ng Las Pinas Police ang insidente ng padukot sa isang dalagita sa harap ng isang pawnshop sa Marcos Alvarez Avenue, Barangay Talon 5.

Gayunman, dahil sa maagap na pagtulong ng sariling ama ng dalagita na nakatunog sa tangkang pagdukot sa anak ay nabigo ang mga kidnaper.

Sa tulong naman ng ilang motorcycle rider ay naaresto ang suspek na si Leonardo Alfaro, 33 nang habulin ito sakay ng kanyang kotse kung saan duon sana isasakay ang target. Nakuha rito ang masking tape, lubid, baril at kotse.

SM food to go Banner Ad

Kahapon, bagaman hindi pa kumpirmado ay napaulat na isa na naman insidente ng bigong pagdukot ang nangyari sa Bacoor sa lalawigan ng Cavite kung saan isang batang babae ang pinuntirya.

Ang tangkang pagdukot sa dalawang babae sa Las Piñas City at Cavite ay nakuhanan ng CCTV kung saan parehong nakatakas mula sa mga hinihinalang kidnapper ang dalawa.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya kung ang dalawang insidente ng pagdukot ay kagagawan ng iisang grupo.

Nagpaabot ng mensahe si Las Pinas City Police chief Col. Jaime Santos sa publiko partikular sa mga magulang na ingatan ang mga anak lalo na ang mga kababaihan.

Pahayag pa ni Santos base sa kanilang imbestigasyon, target ng mga kidnappers ngayon ay ang mga kabataang babae. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.