Abante Tonite Interactive

Dulot ng saging sa atin!

2,018

Nasanay na tayo sa biro-biro na ang pagkain ng saging ay ang pagkakaroon ng lahing matsing. Ngunit kung tutuusin, maraming sustansiya ang saging. Ang mga benepisyo mula sa saging ay hindi maihahalintulad sa ibang prutas.

Ito ang gusto at madalas kainin ng tao lalo na ng mga manggagawa dahil madali lang itong kainin kahit saan ka man magpunta at madali itong makita sa mga pamilihan gaya ng karendirya. Maraming bita­mina at nutrients ang saging. Ito ay nagtataglay ng vitamin A, iron, phosphorus, potassium at natural sugar.

Dalawang saging lamang ay makapagbibigay na ito sa iyo ng sapat na lakas upang matapos ang iyong ginagawa. Kaya kung ikaw ay pagod sa iyong trabaho o sa iyong ginagawa, kumain ng saging upang maibi­gay ang lakas na kailangan ng katawan. Kaya heto ang benepisyo ng saging:

1. Gamot sa ulcer – Ang saging ay gamot sa ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may tinatawag na phospoholid. Mayroon din itong flavonoid na parang tinatapalan ang sugat sa ating mga tiyan. Ito ay nakatutulong upang mapabuti ang kalagayan ng tiyan.

2. Pagpapalakas ng katawan – Ang saging ay nakapagbibigay-enerhiya sa ating katawan. Para itong multivitamin dahil ito ay may vitamins A, B, C, calcium, iron at potassium. Ang potassium ay mahalaga para sa normal na pagtibok ng ating puso.

3. Okay sa Colon! – Dahil mataas sa ­fiber ang saging, puwede itong panlaban sa mga sakit sa bituka natin gaya ng colon cancer.

4. Exercise – Kung ikaw ay regular na nag-eehersisyo, ang pagkain ng saging ay mala­king tulong upang hindi ka madaling manghina, pinananatiling malakas ang katawan at upang hindi bumaba ang iyong potassium.

5. Pangontra sa stress – Sa oras na ikaw ay ninenerbiyos, nalulungkot o nai-stress, ang sa­ging ay gamot upang maging maayos ang iyong pakiramdam. Dahil ang saging ay may tinataglay na tryptophan. Ito ay isang kemikal na nagpapaganda sa ating emosyon at nagpapakalma sa ating mood.

6. Minerals – Ang sa­ging ay may mataas na level ng mineral na magnesium, manganese at copper. Ang magnesium ay nagpapatibay sa ating buto at nagpoprotekta rin sa ating puso. Ang manganese naman ay may tulong sa paglikha ng ­anti-oxidant. Ang ­copper ay kailangan para sa produksyon ng red blood cells.

7. Normal na pagdumi – Ang taglay na fiber ng saging ay makatutulong upang maging ma­ayos ang pagdumi.

Ang pagkain ng da­lawang saging sa isang araw ay ipinapayo upang mapunan ang sustansiya na kailangan ng katawan. Kaya laging tandaan, ‘Two bananas a day keeps the doctor away’.

Tonite – Wendys Inhouse Ad