Abante Tonite Interactive

Dumapig, Basilan buslo 3 ng scoring record

253

Nagbuslo ng tatlong bagong rekord ang tila nagpraktis lang na BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa pagpaligo sa Hyperwash, 180-117, upang pumasok sa semifinals ng 9th PBA D-League Foundation Cup Lunes ng hapon sa Paco Arena sa Manila.

Naglista si Cris Dumapig ng 21 points at 12 rebounds upang pangunahan ang Saints sa panalo at panibagong kasaysayan sa liga.

Ang 180 points ng BRT Sumisip ang pinakamataas na sa history ng Developmental League nang lampasan ang 161 points na itinala rin nila kontra Black Mamba nito lang September 2.

Ang 108 points sa isang half ay pinakamataas ding produksyon sa D-League habang ang 60 points sa isang quarter ay bagong record din upang tabunan ang nakaraang record nilang 53 points sa isang yugto.

Tumapos rin ng tig-18 points sina James Manacho at Japs Bautista upang dalhin ang koponan sa best-of-three-semifinals kontra Centro Escolar University.

“Happy ako na pumasok kami sa semis pero ‘di na naman kami na-push to the limit,” ani coach Stevenson Tiu.

‘Di naman nag-aksaya pa ng panahon ang Technological Institute of the Philippines sa pagkumpleto semis nang kunin lang sa isang laklakan ang Energy Drink, 82-71, kinagabihan.

Naglista si Senegalese big man Papa Ndiaye ng krusyal na 22 points at 9 rebounds habang bakas si Rey de Mesa naman ng 12 markers, 4 rebounds at 3 dimes para pagbakasyunin na ng may twice-to-beat edge Engineers ang biktima. (Aivan Denzel Episcope)

17 PBADL caption:

‘Inasawa’ ni Bobby Balucanag ng Black Mamba si Papa Ndiaye ng Technological Institute of the Philippines sa salpukan nila sa 9th PBA D-League Foundation Cup 2019 Lunes ng gabi sa Paco Arena sa Maynila. (PBA Media Group)