Abante Tonite Interactive

Dumapig dinaig ang Sarangani

198

Sinagasaan ni Cris Dumapig ang mga humarang sa kanya sa pagkasa ng 15 points, 18 rebounds at tig-2 assist at block upang balikatin ang Basilan Steel sa pagdagok sa Sarangani, ­85-82, Sabado nang gabi sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Santa Rosa City Multi-Purpose Sports Center, Laguna.

Bakas pa kay Dumapig si ex-pro Dennis Daa ng 15 markers din at 14 si Irven Palencia para kapitan ng Basilan ang Group B South Division fourth place sa sixth straight victory tungo sa 15-8 win-loss record.

Nasayang lang ang 23 pts. ni Orin Catacutan at 17 ni Pari Llagas sa paghaba pa ng kalbaryo ng ­Sarangani (dating Socsksargen) sa 22 olats sa gayung daming salang.

Ang iskor:
Basilan 85 – Dumapig 15, Daa 15, Palencia 14, Hallare 9 Collado 8, Dagangon 7, Uyloan 7, Manalang 5, Alanes 3, Vidal 2

Sarangani 82 – Catacutan 23, Llagas 17, Estrellante 9, Cabanog 8, Morada 7, Dimapiles 6, Medalla 6, Eman w, Clavel 2, Trinidad 2. (AE)