Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dumarami ang nagkakasakit

0 96

Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nag-umpisa na ang tag- ulan kamakailan. Ilang araw na natin napapansin ang panahon na ito. Madami na namang karamdamang ang tumataas ang bilang sa sitwasyong ganito.

Kasama dito ang trangkaso o flu, ubo at sipon, pagtatae, dengue fever, at leptospirosis. Maisasama din natin ang mga aksidente dahil sa basang kalsada nadadaanan. Huwag din natin kalimutan na nakapaligid pa din si Covid19.

Sa ubo’t sipon at lagnat, lalo na kung nabasa nang ulan ay nararapat malaman kung simpleng karamdaman lamang ito o hindi. Pwede naman maiwasan ng ulan kaya mahalagang magdala nang pamproteksyon tulad ng payong, kapote, at sapatos o bota. Mas maganda kung makakaantay na tumila ang ulan, ngunit kung nagmamadali, siguraduhing protektado. Huwag basta basta tumakbo sa ulan o lumusong sa baha kung abutan nito.

Lalong lalo na kung may sugat ang paa. Hindi natin masabi kung ano ang organism ang naanod kasama nito, kasama ang ihi ng ibang hayop, pati na ang daga kung saan makukuha ang leptospirosis. Kung hindi talaga makaiwas dito, dahan dahan ang kilos at galaw dahil hindi nakikita ang dinadaanan. Baka may mga matalim na bagay na pwedeng makasugat, madulas at madapa dahil hindi lapat ang dinadaanan, o baka may mga butas o construction na pwedeng malaglag dito. Kahit gaano kakabisado ang daan, nagbabago ito kung bahain.

Sa pagkakataong ito, kung hindi sigurado ang pinanggagalingan ng iniinom na tubig ay mas mabuting pakuluan ito. kung nasa lugar na bahain, baka pumasok ang tubig baha at humalo sa daloy nito. Iniiwasan natin makainom ng mga bakterya na magiging sanhi ng pagtatae.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa paligid naman, siguruhing malinis ito. Lalo na kung kakaulan lang. Huwag natin hayaang may mag naipong tubig galing sa ulan, hindi lamang sa mga lalagyan, kung hindi sa iba’t ibang bahagi, lalo na sa mga kantong maaaring pagipunan ng tubig. Pwede kasing pamahayan ito ng mag lamok na sya namang posibleng sanhi ng dengue.

Karamihan sa mag karamdamang ito ay may lagnat at kinakailangan pa din masiguradong hindi Covid19 ang dahilan. Mag-iiba ang tagal ng gamutan at kailangan ma-quarantine kung sakaling ngang Covi19 dahil nakakahawa ito. Hindi tulad ng karamihang nabanggit natin na hindi naman nakakahawa. Maliban na lang kung sabay ang mag pangyayari.

Lahat ng ito ay sa labas ng katawan. Kailangan din natin siguruhin na malakas ang loob ng ating katawan. Patibayin ang immune system at ito ay magmumula sa pagkain ng maayos at wasto, paginom ng sapat na dami ng tubig, pagkilos at ehersisyo, pagiwas sa mga bawal tulad ng paninigarilyo, alak at droga. At higit sa lahat ay magpahinga. Kung kakailanganin, maaari din dagdagan ng mag bitamina pampadagdag sa tibay ng katawan.

Nagumpisa na tayong bumalik sa trabaho, protektahan natin ang ating katawan ng hindi tayo basta basta magkasakit.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.