Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dumede sa COVID positive mom, baby nahawa

0 51

Parehong nagpositibo sa COVID-19 ang isang nanay at apat na buwang gulang nitong sanggol sa Pasay City.

Hindi na tinukoy ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagkakakilanlan ng mag-ina para maiwasan ang diskriminasyon.

Posible aniyang nahawa sa inang positibo sa virus ang bata dahil dumedede ito sa kanya. Nasa MOA quarantine facility ngayon ang mag-ina.

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito ay nanawagan ang alkalde sa publiko partikular sa mga magulang na may mga anak na sanggol na pag-ibayuhin ang pag-iingat at pagsunod sa mga itinakdang health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

“Doblehin po natin ang pag-iingat sapagkat wala po talagang sinasanto ang sakit na ito at hindi namimili kung bata o matanda ang magiging biktima,” ani Calixto-Rubiano.

Tiniyak naman ng alkalde na ibibigay ng pamahalaang-lungsod ang lahat na kailangang tulong para matiyak ang kaligtasan ng sanggol at ang nanay nito. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.