Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dumi sa Manila Bay `di mabubura ng `white sand’

0 56

Sayang ang pondo mula sa kaban ng bayan at pakitang-tao lamang umano ang pagpapaganda sa Manila Bay kung hindi naman aaksyonan ang ugat ng problema hinggil sa polusyon dito.

Inihayag ito ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na tutol din sa ginagawa umanong “superficial whitening” ng Manila Bay na pinatambakan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga dinurog na dolomite galing Cebu para magmukhang white sand ang dalampasigan nito.

Sabi ni Atienza, isang storm surge lang ay siguradong mawawalis ang mga tinambak na `white sand’ sa dalampasigan ng Manila Bay.

“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform,” giit ng mambabatas.

Ang polusyon sa Manila Bay ay galing umano sa `human sewage’ ng mga kabahayan sa Metro Manila na umaagos patungo sa Pasig River na dumadaloy naman diretso sa Manila Bay kada araw.

Kaya’t delikado aniyang maligo sa Manila Bay dahil maaaring ma-expose ang isang tao sa mga sakit na dulot ng polusyon sa katubigan nito katulad ng gastroenteritis, hepatitis A, disinterya, typhoid fever at iba pang uri ng mga impeksyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.