Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dumulog sa NBI

0 912

Dear Attorney Claire Castro,

Magandang araw po sa iyo Attorney Claire Castro.

Ako po ay nahikayat na magparticipate sa isang M- Shopping site sa internet upang maging isang M- Shopper nila.

Nag apply ako sa mga available na store visits nila na puwedeng gawin. And luckily ay nakakuha ako ng mga assignments na kanilang ino-offer na karamihan ay sa probinsya pa. Sa mga email confrmation messages na sinend nila sa akin with regards sa assignments ay babayaran daw ako ng shoppers fee after a month.

Sa madaling salita ay ginawa ko ang mga assignments sa loob ng dalawang buwan at gumastos ng sarili kong pera para sa pamasahe at pagkain habang ginagawa ang mga ito.

Subalit pagdating ng itinakdang araw na dapat ay mareimburse ang mga nagastos ko sa nasabing mga store visit ay sinabi nilang may daya daw akong ginawa dahil hindi daw nasunod ang mga patakaran at alituntunin na sinasabi nila sa kontrata.Hindi daw nila ako babayaran.

Ang tanong ko po ay maaari ko pa bang mahabol ang karampatang bayad at reimbursements nang mga nagastos ko dahil sa trabahong ito?
Maraming salamat po.
Ramel

Mr. Ramel,
Nakakalungkot na nagagamit sa ngayon ang pagiging advanced natin sa technology para sa panloloko at pandaraya.

Ayon sa kwento ay lumalabas na ikaw ay kanilang pinasakay at pinaasa sa magandang oportunidad na kanilang inaalok. Ginamit ka nila upang magawa nila ang kanilang obligasyon sa pamamagitan mo ngunit sa iyong kapahamakan naman. Maliwanag na may FRAUD iyan. Maaari po kayong pumunta sa NBI at ireklamo ang mga nanloko sa iyo sa Anti Cyber Crime Division o Anti Fraud Division upang maimbestigahan nila ang galaw at modus ng mga nakausap mo online.

Maaari silang kasuhan sa ilalim ng Art. 315 ng Revised Penal Code at ito ay isang criminal case at may kulong kapag napatunayang nagkasala.
Ang mga usapan ninyo sa email ay ebidensiya na magagamit mo laban sa kanila.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8 410 7624 o 9220245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.