Abante Tonite Interactive

Duncan sablay kay McCollum

373

Talo si Tim Duncan sa kanyang coaching debut.

Ejected si San Antonio coach Gregg Popovich, inako ng five-time NBA champion na si Duncan ang coaching pero naubusan ang Spurs sa Portland Trail Blazers 121-116 Sabado ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular game.
Nagsumite ng 32 points si CJ McCollum sa Portland, may 22 points si Damian Lillard at 21 pa kay Hassan Whiteside.

Dinomina ng 30 points at 13 rebounds ni LaMarcus Aldridge ang laro pero ‘di napigil ang panlimang sunod na sadsad ng Spurs.

Sa kaagahan ng third quarter, ejected si Popovich nang pumasok sa court para kastiguhin si game official Jason Golden­berg sa isang non-call. Kalmado nang lumakad palabas ng court si Popovich nang matanggap ang una niyang ejection ngayong season.

Inako nina Duncan at kapwa-assistants Becky Hammon at Will Hardy ang coaching by committee, pero si Duncan ang tumatawag ng plays at sumisigaw ng instructions. (VE)

Nag-rally ang Spurs para agawin ang lead 111-104 may 4 minutes pa, pero naglista ng 10 unanswered points ang Blazers 114-111 huli sa three-point play ni Rodney Hood mula left-handed hook at foul ni DeMar DeRozan.

Umayuda ng 17 points si Bryn Forbes at may tig-16 sina DeRozan at Rudy Gay sa San Antonio.