Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque aminadong sablay pagtugon sa pandemya

0 68

Inamin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang kanyang mga pagkakamali sa pagtugon sa COVID-19 pandemya sa bansa.

Ginawa ito ni Duque sa kanyang yearend report kung saan sinabi nito na ang mga aral na kanyang natutunan mula sa mga pagkakamali ay gagamitin niya para sa mas maayos na pagtugon sa pandemya.

“May mga `ika nga, misstep at pagkakamali pero `yang mga pagkakamaling iyan ay nagsisilbing mga leksyon para mas maging matagumpay ang tugon sa COVID-19,” ayon kay Duque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May depensa rin ito sa kanyang pagkakamali.

“Wala naman pong hindi nagkakamali. Unang-una ang pinag-uusapan natin dito ay bagong virus…Wala pong magaling sa COVID-19,” dagdag pa ni Duque.

Ginawa ni Duque ang pahayag nang tanungin kaugnay sa kanyang assessment sa pagtugon sa COVID-19 pandemya at ang mga pagkukulang nito na kinakailangan pang pagbutihin pagpasok ng 2021. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.