Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque: Bisa ng bakuna ‘di pa alam kung kelan tatagal

0 371

Inamin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na wala pang datos maging ang mga international expert, hinggil sa kung gaano katagal ang bisa ng bakuna kontra COVID-19 sa mga indibidwal na naturukan nito.

Ayon sa DOH secretary, “We keep our ears to the ground to make sure whether there is new report or new data to support it and when these vaccines we are now using might actually provide more lasting protection beyond six months. In general, mga six months to nine months daw eh.”

Patuloy umano ang kanilang pagkikipag-ugnayan sa mga eksperto ng mga pharmaceutical company ukol sa pagbibigay ng booster sa bakuna para mapataas ang haba ng pagiging epektibo nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Whether we need to adopt a booster dose policy, that remains to be seen because we still don’t have sufficient data precisely to establish how long these vaccines can provide protection,” ani Duque.

Aniya, hindi umano lahat ng bakuna ay pare-pareho kaya kailangan pa ng masusing monitoring partikular sa lebel ng antibodies na nabubuo ng tinurukan nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.