Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque `di papalitan ni Vega – Roque

0 208

Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na papalitan ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega si Secretary Francisco Duque III.

Nilinaw ng kalihim sa kanyang online press briefing nitong Martes na inatasan lang si Vega na pamunuan ang Hospital One Incident Command na siyang tutukoy sa kapasidad ng mga ospital na makapagbigay ng health care services sa mga tao kaya tinawag aniya ito bilang treatment czar.

“Siya `yong nagco-coordinate sa mga ospital kung saan pupunta ang mga pasyente. `Yon lang po `yon. Because he’s the Hospital One Incident Command in-charge,” ani Roque. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.