Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque dikdikin sa PhilHealth scam – Drilon

0 447

Dapat umanong dumalo si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, kailangang malaman ng mga senador kung ano ang naging papel ni Duque sa pag-apruba sa P30 bilyong Interim Reimbursement Mechanism (IRM) bilang alokasyon para sa mga ospital na gumagamot ng mga COVID-19 patient.

“Yes, he should attend, because, for example, the IRM is supposed to have been covered by a board resolution. Although there were questions raised as to when the approval came,” sabi ni Drilon sa online interview ng mga reporter.

Si Duque ay tumatayong chairperson ng PhilHealth sa kapasidad na ex-officio.

“Certainly, Sec. Duque would have to explain to the Senate how he conducted himself and whether or not due diligence was exercised as chairman of PhilHealth,” sabi ni Drilon.

“Sec. Duque must appear because many of these projects were approved by the Board and he is the chairman of the Board,” dagdag pa nito.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole noong Martes, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na batay sa pagrebyu sa record ng PhilHealth, nakitang may “pattern” kung saan may ilang ospital, partikular ang mga pribado, na mas pinaboran kaysa mga government hospital, sa pamamahagi ng IRM.

Nabunyag din na bago pa man aprubahan ng PhilHealth Board ang guidelines sa paggamit ng IRM fund, namigay na ng P9.3 bilyong cash advance sa iba’t ibang mga ospital, partikular ang mga pinaboran ng ahensiya.

Nauna nang kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros kung bakit hindi kasama sa iniimbestigahan si Duque sa mga alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.

“Why is the Health Secretary unscathed in all this? Isa si Secretary Duque sa mga dapat magpaliwanag ng maigi ukol sa mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth,” sabi ni Hontiveros.

“In fact, he has been connected with PhilHealth in various capacities since 2001. Now on his second term as Chairperson of the Board of PhilHealth, he cannot deny responsibility for all irregularities inside,” dagdag pa ng senadora. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.