Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque ‘dinedma’ aplikasyon ng Sinopharm sa bakuna trial

0 265

Nagpahayag na umano ang Sinopharm, kompanyang nakabase sa China, ng request noong Mayo 2020 para makapagsagawa ng COVID-19 vaccine trial sa bansa ngunit hindi nakakuha ng tugon mula kay Health Secretary Francisco Duque III, na mariing tinanggi ng kalihim.

Sa isang panayam sa radyo sinabi ng kalihim na wala siyang alam sa anumang liham na pinadala ng Sinopharm sa kanyang opisina.

“Wala akong alam, ang alam ko lang na nakapag-submit ng clinical trial for phase three na gagampanan dito satin [ay] ang Janssen ng Johnson & Johnson,” aniya.

SM food to go Banner Ad

Kahapon, dalawang representative ng MKG Universal Drugs Trading Corporation, na umano’y exclusive distributor ng Sinopharm vaccine sa bansa, ang nagsabing May 26, 2020 pa ng lumiham sila sa opisina ni Duque upang imbitahang magsagawa ng kolaborasyon para sa clinical trial.

Natanggap umano ito ng May 28 pero hanggang sa ngayon ay wala pang tugon ang kalihim. Dahil walang natanggap na tugon mula sa Department of Health, nagdesisyon umano ang developer ng vaccine na gawin na lang ang clinical trial sa United Arab Emirates.

Tinanggi rin ng MKG representative na hindi ito parte sa naging pagbibigay bakuna sa Presidential Security Group.

Leave A Reply

Your email address will not be published.