Abante Tonite Interactive

Duque, Dizon walang kredibilidad sa mass testing

0 418

Ramdam na unti-unting pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa kredibilidad sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic dahil sa kapalpakan at magkakaibang datos ng mga opisyal na nangangasiwa sa isinasagawang mass testing.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, labo-labo sina Health Secretary Francisco Duque at virus testing czar Vince Dizon nang hindi magkasundo kung ilan talaga ang target na virus testing ng gobyerno para maawat ang pagkalat ng COVID-19, sa ginanap na Senate hearing noong May 20.

“Tinanong ko si Duque kung ilan ba ang nate-test ngayon. Ang sagot ay less than 10,000. Tinanong niya ang staff niya at lumabas ay 11,500,” sabi pa ni Drilon.

“These are basic na dapat at his fingertips alam niya. Pagkatapos tinanong ko kung ilan ba ang kailangang i-test ang sabi niya 30,000 pero ang sabi ni Dizon 50,000,” dagdag pa ni Drilon sa interview ng DZRH.

“Kung hindi magkakasundo sa basic data, it affects their credibility. Talagang maraming problema at nakakalungkot. Kailangan ang kooperasyon ng taumbayan sa social distancing pero kung ang nakikita mo ay mali-mali ang data, hindi nagkakasundo kung ano ang standard, talagang nawawalan ng tiwala ang taumbayan sa kakayahan ng pamahalaan na ma-contain yung virus na ito,” pahayag pa ng sena

Aniya bigo ang Duterte administration na maisakatuparan ang virus testing target nito sa nakalipas na dalawang buwan ng enhanced community quarantine.

Target ng Department of Health (DOH) na makapagsagawa ng 8,000 polychain reaction (PCR) test kada araw hanggang noong Abril 30 subalit nasa 4,900 o 61 percent lang ang achievement rate.

Itinalaga nong Mayo 2 na maging testing czar ng Inter Agency Task Force si Dizon na kilalang protégé ni Speaker Alan Cayetano na nangako ng 30,000 virus testing kada araw.

Duda naman si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na makakaya ng gobyerno ang nasabing target dahil nasa 8,000 hanggang 11,000 lang ang nagagawa na testing per day.

Patunay lamang umano ito na mas malala dahil mababa ang testing rate sa ilalim ng pamamahala ni Dizon kaysa kay Duque.

Tonite – Wendys Inhouse Ad