Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque epal sa trabaho ng pulis

0 127

“He dropped the ball, he picked up a stick, tapos nagsusukat siya ng distansya. Ano ‘yon?”

Ito ang naging tugon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson nang mahingan ng reaksyon sa pag-iikot ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga pamilihan hawak ang isang meter stick.

Nitong Huwebes ay pinag-usapan si Duque dahil sa paglilibot nito para mapatupad ang social distancing sa panahon ng Kapaskuhan.

SM food to go Banner Ad

Ngunit ayon kay Lacson sa ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, hindi trabaho ni Duque na sukatin ang distansya ng bawat tao dahil dapat mas magpokus aniya ito sa bakuna.

“Ang importante vaccine hindi ‘yung pansukat, trabaho ng pulis ‘yon, diba trabaho ng enforcement yon na magsukat at ‘yung mag-violate, aarestuhin?” lahad ng mambabatas.

“Hindi ito trabaho ng [Secretary of Health] para kumuha ng patpat para sukatin ‘yung distansya ng tao,” aniya pa.

Bago ito matatandaang naging kontrobersyal muli ang kalihim nang ibunyag ni Lacson na may pagkukulang si Duque kaya hindi agad natuloy ang deal para sa COVID-19 vaccine ng Pfizer, bagay na mariing tinanggi ng huli.

Leave A Reply

Your email address will not be published.