Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque, Galvez pamilya una sa bakuna

0 85

Nagboluntaryo sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na maunang paturok kasama ang kanilang pamilya para maalis ang takot ng publiko sa bakuna laban sa COVID-19.

Basahin: Takipan sa Sinovac binuking ni Ping

Inihayag nila ito sa ginanap na Laging Handa public briefing nitong Miyerkoles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Galvez, kahit ano pang brand ang mauna na maaprubahan ng mga vaccine expert at mabigyan ng emergency use authorization sa bansa ay iyon ang ibabakuna sa kanila.

Basahin: Barya lulusawin, papalitan ng QR Code

“Sabi nga ng iba na if we are willing to have our family to be vaccinated para at least maipakita natin sa buong mamamayan natin na ligtas iyong bakuna, gagawin po namin,” ani Galvez.

Sinabi naman ni Duque na kung pahihintulutan sila ng taongbayan na maunang magpabakuna at hindi mabatikos at mapulaan ng VIP treatment, ay gagawin nila para sa kapanatagan ng isip ng sambayanan.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.