Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque hinayang gumastos ng P42B sa mass testing

0 34

Aabot umano sa P42 bilyon kada buwan o P1.4 bilyon kada araw ang magagastos ng gobyerno kung magsasagawa ng libreng mass testing.

Ito ang lumabas na kuwenta ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kung magpapatupad ng random mass testing sa 5 porsiyento ng populasyon kada araw.

“Kung 5% of the population, ilan tayo? 100 million, so 5 million per week divided by 7. That’s 700,000 tests per day. The average P2,000 per test. 700,000 times P2,000 per test, how much is that?” ani Duque.

“That is P1.4 billion a day, that is P14 billion every ten days, that is P42 billion in one month,” dagdag ng kalihim.

Sinabi ito ni Duque kasunod ng mga panawagan para sa mass testing matapos na sumirit uli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sanhi ng Omicron variant.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit ni Duque, maaaring gamitin sa iba pang proyekto ang nabanggit na budget.

“My God, I’d rather put that money for my healthcare worker benefits, for ayuda in communities that are doing granular lockdowns. That’s the way to put this huge sums of money to best use,” ayon kay Duque.

Samantala, inihayag ni Senador Sonny Angara kahapon na kung gagawin ang COVID test sa mga laboratoryo ng gobyerno dapat na libre ito sa publiko.

Sinabi ni Angara na may nakalaan na P17.85 bilyon sa 2022 national budget para sa COVID-19 Laboratory Network Commodities na maaaring gamitin para sa libreng virus test. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.