Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque, iba pang gabinete binoykot Gordon hearing

0 87

Hindi dumalo si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal ng kagawaran, sapagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa paggamit ng pondo para sa COVID-19 medical supply.

Sa liham na pinadala ni Duque sa tanggapan ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senador Dick Gordon, inatasan umano sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na unahin ang mahahalagang aktibdad saCOVID-19 response.

Ito ang pangalawang beses na hindi dumalo ang mga opisyal ng DOH sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

“The memorandum order of the President remains in effect, yet we give our firm assurances that we will continue to cooperate with the Committee and commit to submit any and all documents that may aid the good Committee over the course of their investigations in aid of legislation,” ani Duque sa liham.

Matatandaang inobliga ni Duterte ang kanyang mga gabinete nakumuha ng clearance sa kanya bago dumalo sa imbestigasyonng Senado sa pagbili ng gobyerno ng diumano’yoverpriced na pandemic supply.

Sabi pa ng presidente hindi niya kinukuwestiyon angawtoridad at kapangyarihan ng Senado na mag-imbestigapero giit niya, hindi umano nabibigyan ng tsansa ang ilang mga resource person, lalo na iyong mga nasaexecutive department, na makapagbigay ng kanilang testimonya sa pagdinig sa Senado. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.