Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque inabswelto ni Duterte – Lacson

0 82

Tila nilinis na umano ni Pangulong Rodrio Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa diumano’y anomalya sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) dahil ayaw niya itong tanggalin sa puwesto, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“With his appointed chief investigator to his right and one of those being accused in the PhilHealth mess to his left, he cleared the accused of any wrongdoing. End of story,” pahayag ni Lacson sa Twitter post.

Ang tinutukoy ni Lacson na imbestigador ay si Justice Secretary Menardo Guevarra na na nanguna sa task force investigation sa diumano’y korapsyon sa state health insurer.

Nauna nang sinabi ni Duterte na hindi pa ito ang taman panahon para magbitiw si Duque sa gitna na panawagan sa kanyang pagbaba sa puwesto kasunod na alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa kuwestiyonableng paglabas ng PhilHealth funds sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

Nakaraang linggo ay inirekomenda ng Senate Committee of the Whole ang paghahain ng kasong malversation at graft charges laban kay Duque at iba pang opisyal ng PhilHealth at nanawagang palitan ito sa DOH. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.