Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque inawat mga mayor sa pagbili ng bakuna

0 210

Hinarang ni Health Secretary Francisco Duque ang mga local government unit na nagkakandarapa sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 sa mga international pharmaceutical.

“Mas mainam nakipagugnayan muna ang mga local government sa national government sa pagbili ng mga vaccines para isa lamang ang kumpas, at alinsunod naman ito sa inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tripartite agreement,” giit pa ng kalihim.

Payo ni Duque sa mga LGU na huwag munang mangako na may darating ng vaccine laban sa COVID 19. Aniya, wala pang katiyakan kung talagang makakarating sa Pebrero ang inaasahang vaccine.

Umapela naman si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa pamahalaan na huwag ‘solohin’ ang pagbili ng COVID-19 vaccine sa halip payagan na ang mga LGU na direktang makabili ng bakuna mula sa mga manufacturer.

Sa inihain Resolution No. 1460 ni Rodriquez, nakasaad na hindi lamang umano dapat LGU ang payagang bumili ng sarili nilang bakuna kundi maging ang mga private company.

Sa pinakahuling ulat, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga LGU sa pagbili ng bakuna, at nasa 61 lungsod na ang naglaan ng pondo na aabot sa P10 bilyon.

Kaugnay nito, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergiere na kung kasali sila ni Duque sa mga prayoridad na mabigyan ng bakuna ay magpapaturok din sila nito upang maalis ang agam-agam ng publiko sa bakunang gawa ng China. (Juliet de Loza-Cudia/Eralyn Prado/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.