Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque nilatag kondisyon sa balik-eskuwela

0 38

Nagbigay ng ilang kondisyon si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na dapat walang mga kaso ng COVID sa isang lugar para payagan ang polot test ng face-to-face classes sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Duque na malaking bahagi pa rin ang pagbaba ng mga kaso para ikonsidera ang pilot test ng balik-eskuwela sa isang lugar.

“Dapat siguraduhin muna na walang COVID cases sa isang lugar, nasa low-risk ang kanilang classification or walang reported daily new cases for the last 28 days,” ani Duque.

Kasama rin aniya sa kondisyon ang pagbabakuna sa mga guro na makikiisa sa face-to-face classes at dapat may sapat na health care system ang lugar sakaling tumaas uli ang mga kaso ng COVID. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.