Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque pa-exit na- Mon Tulfo

0 360

Pa- exit na anumang oras at pormal na sulat na lang ang hininintay umano ni Pangulong Rodrigo Duterte mula kay Health Secretary Francisco Duque para magbitiw sa puwesto, ayon kay Special Envoy to China Mon Tulfo.

Ayon kay Tulfo, isang Malacanang source ang nagkumpirma sa kanya ng balita na laman ng kanyang column sa Manila Times .“The President is just waiting for Duque to hand him a resignation letter,” sabi pa sa nasabing column.

Ayon kay Tulfo, ang pagkakatalaga kay Southern Philippines Medical Center chief Dr. Leopoldo Vega bilang Health Undersecretary ay isang senyales na tila napi-pressure si Duque na sentro ngayon ng mga batikos dahil umano’y `failure of leadership’ at mabagal na pagtugon sa pagsugpo ng COVID- 19 pandemic.

Nauna nang nanawagan ang 15 senador kay Duque na mag-resign sa gitna ng patuloy na pakikipaglaban ng gobyerno sa virus. Sa kabila nito, patuloy ang panunungkulan ng kalihim hanggang sa kasalukuyan dahil sa ibinibigay umanong pagtitiwala at kumpiyansa sa kanya ni Pangulong Duterte.

Ang naturang panawagan ay itinulak nina Senate President Vicente Sotto ; Senate President Pro Tempore Ralph Recto; Senators Juan Miguel Zubiri, Juan Edgardo Angara, Maria Lourdes Nancy Binay, Mary Grace Poe, Emmanuel Pacquiao, Sherwin Gatchalian, Francis Tolentino, Emmanuel Joel Villanueva, Ronald dela Rosa, Maria Imelda Josefa Marcos, Manuel Lapid, Ramon Revilla Jr. at Panfilo Lacson.

Ayon pa sa source ni Tulfo, malaki ang utang na loob ni Pangulo Duterte kay Duque dahil sa pagsuporta nito noon sa kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo.

“Duque gave [Duterte] all-out support even when his ratings were down during the campaign and you should know the President’s deep sense of gratitude,” sabi pa umano ng source

Leave A Reply

Your email address will not be published.