Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duque pinalalayas ng mga nurse

0 663

Nanawagan ang grupo ng mga nurse upang bumaba sa puwesto si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kasunod ng pagtaas ng nahawa ng COVID-19.

Ayon sa Filipino Nurses United (FNU), “We hope that our leadership be replaced by likewise a more competent Secretary of Health. Secretary Duque must resign for the betterment of our health.”

Dagdag ng FNU, nakakabahala na ang pagsirit ng COVID-19 case sa mga nakalipas na araw lalo na sa National Capital Region, na ang bilang ay hindi na bumababa sa 3,000 kada araw.

Ikinalungkot din ng FNU ang pagtaas ng bilang ng mga medical frontliner na nahahawa ng virus dahil umano sa hindi mahusay at maling pamamahala sa COVID-19 response.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are extremely alarmed at the increasing number of nurses, doctors and other health workers especially those in the frontline, being infected by COVID-19, with 5,355 nurses comprising 36% of the 14,963 infected cases of health workers,” hayag pa ng FNU.

Giit nila, “We refuse to be sacrificial lambs for this pandemic.”

Nitong Sabado, muling nabasag ang record ng COVID-19 daily case sa Pilipinas makaraang makapagtala ng 7,999 case, pinakamataas na naitala sa loob ng isang araw. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.