Duque walang paki sa mga kritiko

278

Hindi tumalab kay Health Secretary Francisco Duque III ang mga natanggap na kritisismo mula sa publiko at mga politiko sa umano’y kapalpakan niya sa paghawak ng problema ng 2019 no­vel coronavirus.

Sa interview ng ANC noong Biyernes, Pebrero 7, sinabi ni Duque na okay lang siya matapos gisahin ng mga senador sa hearing ng Senate Committee on Health noong Pebrero 5.

Sa nasabing hearing ay binatikos si Duque dahil sa umano’y ‘failure of leadership’ bunsod ng kabagalan sa contact tracing ng mga pasaherong nakasabay ng Chinese couple na nagpositibo sa nCoV.

Tinanong pa sa TV interview ang kalihim kung apektado siya sa mga kritisismo at sinabing “Not at all.”

“I don’t care what people say. I don’t care what politicians say. For as long they want to help, they’re welcome but we have work to do,” diin pa ni Duque.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...