Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duran positibo sa COVID-19

0 153

Naospital at nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 si legendary boxing champion Roberto Duran (Samaniego) ng Panama, ayon sa Facebook post ng kanyang anak na si Irichelle kahapon.

“We got the result of the COVID-19 test that was done on my dad and tested positive. My dad is well, Hospitalized for observation,” sambit ng anak ng 69-anyos na Hall of Famer. “We’ll be sharing information with you for the next few days. Thank you so much for all the support.”

Nilabas ni Irichelle ang pahayag matapos mapaulat na dinala ang ama na four-division worldchampion sa ospital sa Panama City dahil sa respiratory problems. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.