Abante Tonite Interactive

Durant, Beverley nagkainitan; GSW nakuha ang huling halakhak

0 274

Matikas na inumpisahan ng Golden State ang 73rd NBA 2018-2019 playoffs nang kubabawan ang Los Angeles Clippers 121-104, Sabado ng gabi sa Oakland.

Pasabog si Stephen Curry ng 38 points para sa Warriors. Sa ibinaon niyang walong 3-pointers ay nilista ang kanyang pangalan bilang may pinakamaraming 3s sa postseason sa kasaysayan ng NBA.

Ejected sina Kevin Durant at Patrick Be­verley 4:41 pa sa laro, 19 seconds matapos silang mapituhan ng double-technicals. Inagawan ni Durant si Beverley at sumadsad sa scorer’s table ang Clippers guard.

Nagkainitan na naman ang dalawa, at pinatalsik na ni official Ed Malloy.
Nakipag-high-five pa si Durant palabas, at umugong ang “Beat LA!” ng crowd.
Pangalawang pagtatagpo lang ng dalawang­ teams sa postseason pagkatapos sikwatin ng Clippers sa pitong laro ang first-round series noong 2014.
Game 2 Martes (araw sa Manila) sa Oracle Arena pa din.

Sinindihan ni Draymond Green ang pa­nanalasa ng Golden State nang ipasok ang lahat ng limang tira sa first quarter tungo sa 17 points, may 7 assists at 7 rebounds pa.
Tumapos si Durant ng 23 points para sa Warriors, pinahaba sa pitong sunod ang panalo sa postseason.

Pinangunahan ng 26 points ni Montrezl Harrell ang Los Angeles, may 25 ang kapwa niya reserve na si Lou Williams.

Sinalubong ng boos si Beverley sa pregame introductions, hindi umiskor sa first half at nagkasya sa 3 points sa 1 of 7 shooting. May 7 assists at 7 rebounds din siya. (VE)