Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant bida vs Hawks

0 362

Nangalabaw ng pinagsamang 89 points ang Big 3 ng Brooklyn pero nangailangan pa ang Nets ng extra 5 minutes bago ipinagpag ang makulit na Atlanta Hawks 132-128 sa 2020-21 NBA regular season game sa State Farm Arena sa Georgia Miyerkoles ng gabi.

May 32 points si Kevin Durant, nilista ni James Harden sa second quarter ang 16 sa kanyang 32 points, at naka-26 pa si Kyrie Irving sa Brooklyn. Namigay ng 15 assists at kumalwit ng 8 rebounds si Harden.

Kumampay ng 28 points at 14 assists si Trae Young sa Hawks, nagdagdag ng season-high 24 points si Cam Reddish. May tig-21 markers sina John Collins at De’Andre Hunter.

Sa dakdak ni KD umagwat ang Nets ng 127-121 sa overtime.

Tinawag ni Hawks coach Lloyd Pierce ang laro bilang “playoff basketball”.

“That’s a good test for our guys against a really good team, a team that’s going to be there at the end at some point,” aniya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.