Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant, Brooklyn tatapusin Boston

0 218

Inaasahang isasaboy ng Brooklyn Nets sa pamumuno ng Big Three na sina Kevin Durant, James Harden at Kyrie irving ang bong puwersa upang muling itumba ang Boston Celtics sa 75th National Basketball Association (NBA) playoffs first round ngayong Miyerkoles (Manila time).

Tangan ng Nets ang 3-1 lead sa Eastern Conference first round kontra Celtics, nakabawi at kinuha ng una ang Game 4 141-126 win para sa pagkakataong wakasan ang serye sa Barclays Center sa New York.

Nakauna ang Brooklyn sa Boston, 104-93 at 130-108, sa bangis nina Durant, Harden at Irving sa unang dalawang laro.

Pero sa pagkayod ng 50 points ni Jayson Tatum, humirit sa Game 3 ang Celtics 125-119 saka bumawi ang Nets na giniyahan sa Game 4 ng 41 markers ni KD. (RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.