Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant, Harden ibabaon ang Bucks

0 320

Hindi pa rin mapapakinabangan ng Brooklyn si Kyrie Irving (ankle) sa Game 6 ng NBA Eastern Conference semis ngayong araw sa Milwaukee.

Makakalaro si James Harden, pero mas malamang na hindi pa 100 percent sa hamstring strain, muling babalikatin ni Kevin Durant ang Nets para subukang isara na ang series.

Nagsumite si KD ng monster game na 49 points, 17 rebounds at 10 assists sa 114-108 win noong Martes tungo sa 3-2 series lead.

Ang tanong ay kung may itatagal pa ang tuhod nina Durant at Harden.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Walang palitan sa loob ng 48 minutes noong Game 5 si Durant, tumagal din si Harden ng 46 minutes pero 5 pts., 6 rebs. at 8 asts. lang ang kinaya.

Dumistansiya pa ng 17 ang Bucks pero napakawalan.

Ngayon ay must-win si Giannis Antetokounmpo at Bucks para makahirit ng deciding Game 7 sa Brooklyn sa Sabado.

Kinapos ang 34 points ni Antetokounmpo sa last game. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.