Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant, Irving iyakin, tampuhin

0 406

May kumakalat na tsismis sa NBA na nililigawan si Gregg Popovich para mag-coach sa Brooklyn Nets.

Binaril ni league analyst Skip Bayless ang senaryo, sinabing hindi uubra ang estilo ng Spurs coach sa dalawang superstars ng Nets na sina Kyrie Irving at Kevin Durant.

Masyadong iyakin ang dalawa, matampuhin. Si Pop, kilalang istrikto.

“Kevin Durant and Kyrie Irving would last about 2 weeks with Gregg Popovich,” ani Bayless sa The Undisputed noong Martes (kahapon, Manila time). “These are two of the thinnest-skinned superstars that ever came down the pipe.”

Sa kabila nito, pinuri ni Popovich ang dalawa.

“They are also two of the most talented players we have ever seen in this league,” aniya.

Magiging bangungot aniya nina KD at Kyrie si Popovich.

“They are besties. And you’re going to have to convince both of them – and Gregg Popovich is absolutely their worst-case scenario, and possible their worst nightmare,” dagdag ni Bayless.

Pero sa edad 71 ay mukhang hindi na maghahanap ng bagong team si Popovich, 24 years nang coach ng San Antonio. Isa siya sa limang coaches na may limang NBA titles – lahat ng kampeonato ng Spurs, galing sa kanya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.