Abante Tonite Interactive

Durant, Irving tandem sa Brooklyn

518

May bagong twist – ‘di lang isa, kundi dalawa pa – na nadagdag sa ‘di mamatay-matay na balitang lalayas na sa Golden State si Kevin Durant pagdating ng offseason.

Wala si Durant (calf injury) sa 116-94 win ng Warriors kontra Portland Trail Blazers sa Game 1 ng Western Conference finals kahapon.

Nitong Martes sa The Herd ay may pasabog si Colin Cowherd ng FOX Spots 1, nabulungan daw siya ng kanyang source na isang “NBA veteran”.

“An NBA veteran player that’s very, very connected told me 15 minutes ago: KD to the Knicks is 100% done and he’s made calls to other players,” ani Cowherd, via FOX Sports.

At tumatawag – nagre-recruit – pa ng ibang players na mahahatak niyang tumawid sa New York?

Sa ulat naman ni Marc Stein ng New York Times, kasali rin daw sa equation ng KD destination ang Brooklyn. At ‘di lang si Durant, dahil dalawa raw sila ni Kyrie Irving na hinahabol ng Nets.

Sa July 1, puwede nang subukan nina D­urant at Irving ang free agency. Magkaibigan ang dalawa, kaya siguro lumutang na ‘package’ sila.

“(Durant and Irving) might be a package deal, but they’re going to look at the Nets just as hard as the Knicks,” pahayag ni Stein sa Stephen A Smith Show.

Buwan pa lang naman ng Mayo, marami pang lulutang na tsismis at ispekulasyon na masasagot lang pagdating ng Hulyo.(VE)